Sabon Station Philippines Refill Revolution Caravan: Pagtataguyod ng Recycling ng PET Bottles sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga

Noong Mayo 23, 2024, matagumpay na ginanap ang Sabon Station Philippines Refill Revolution Caravan sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga. Ang kaganapang ito ay naglalayong himukin ang mga mamamayan na maging aktibo sa pag-recycle ng PET bottles o plastic bottles.

Ang Refill Revolution Caravan ay isang inisyatibo ng Sabon Station Philippines upang ipalaganap ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pag-recycle. Sa pamamagitan ng caravan na ito, hinihikayat ang publiko na magdala ng kanilang mga PET bottles at ipalit ang mga ito sa mga refillable na produkto ng Sabon Station tulad ng sabon, shampoo, at iba pang pang-araw-araw na gamit.

Maraming residente ng San Fernando ang nakiisa sa kaganapan. Ang mga kalahok ay nagdala ng kanilang mga PET bottles para ito ang gamitin para mag pa refill Bukod dito, nagtuturo ng tamang paraan ng pag-recycle at ang mga benepisyo nito sa kalikasan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong kaganapan, inaasahang mas marami pang tao ang magiging bahagi ng Refill Revolution. Layunin nitong mabawasan ang basurang plastic sa lungsod at makapagbigay ng mas malinis at mas magandang kapaligiran para sa lahat.

Ang Sabon Station Philippines ay patuloy na magsasagawa ng mga ganitong programa sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang isulong ang adhikain ng isang mas malinis at sustainable na pamumuhay.